Makakatulong sa iyo ang mga well visit na manatiling malusog. Nasuri ng iyong doktor ang iyong
pangkalahatang kalusugan at maaaring may mga iminungkahi siyang paraan para mapangalagaan nang
mabuti ang iyong sarili. Maaaring may mga inirekomenda ring pagsusuri ang iyong doktor. Makatutulong
kang mapigilan ang pagkakasakit sa pamamagitan ng pagkain ng masustansyang pagkain, sapat na tulog,
mga pagpapabakuna, regular na pag-eehersisyo, at iba pang hakbang.

Gawin ang mga pagsusuri na napagpasyahan ninyo ng iyong doktor. Nakadepende
sa iyong edad at mga panganib, maaaring kasama sa mga halimbawa ang mga pagsusuri sa
pandinig pati na rin ang pag-screen para sa kanser sa bituka, suso, at baga.
Nakakatulong ang screening sa pagtukoy ng mga sakit bago pa magkaroon ng anumang
sintomas.
|

Kumain ng masusustansyang pagkain. Piliin ang mga prutas, gulay, buong butil,
protina, at mga pagkaing gawa sa gatas na kakaunti ang taba. Limitahan ang saturated
fat, at bawasan ang asin.
|

Limitahan ang pag-inom ng alak. Hindi dapat sumobra sa 2 pagtagay sa isang
araw ang mga kalalakihan. Hindi dapat sumobra sa 1 pagtagay ang mga kababaihan. Para
sa ilang tao, pinakamainam ang hindi pag-inom ng alak.
|

Mag-ehersisyo. Makatutulong ito na maiwasan ang mga pagkahulog o pagkatumba.
Magsagawa ng hindi bababa sa 30 minuto ng pag-eehersisyo sa karamihang araw ng
sanlinggo. Maaaring magandang pagpipilian ang paglalakad, yoga, at tai chi.
|

Abutin at panatilihin ang tamang timbang. Pabababain nito ang iyong panganib
para sa maraming problema sa kalusugan.
|

Pangalagaan ang kalusugan ng iyong isip. Subukang maging konektado sa mga
kaibigan, kapamilya, at komunidad, at humanap ng mga paraan para pamahalaan ang
stress.
|

Kung nakakaramdam ka ng depresyon o nawawalan ng pag-asa, makipag-usap sa isang
tao. Makatutulong ang isang tagapayo. Kung wala kang tagapayo, makipag-usap
sa iyong doktor.
|

Kung sa palagay mo ay maaaring may problema ka sa pag-inom ng alak o paggamit ng
droga, makipag-usap sa iyong doktor. Kabilang sa mga ito ang mga iniresetang
gamot at ipinagbabawal na droga.
|

Iwasan ang tabako at nikotina: Huwag manigarilyo, mag-vape, o ngumuya. Kung
kailangan mo ng tulong sa pagtigil, makipag-usap sa iyong doktor.
|

Magsanay ng mas ligtas na pakikipagtalik. Makatutulong sa pag-iwas sa mga STI
ang pagpapasuri, paggamit ng mga condom o dental dams, at paglimita sa mga partner.
|

Gumawa ng advance directive. Isa itong legal na paraan para sabihin sa iyong
pamilya at doktor kung ano ang gusto mong mangyari sa katapusan ng iyong buhay o
kapag hindi mo kayang magpasya para sa iyong sarili.
|

Iwasan ang mga problema kung magagawa mo. Protektahan ang iyong balat mula sa
sobrang pagkalantad sa araw, maghugas ng iyong mga kamay, magsipilyo dalawang beses
sa isang araw, at magsuot ng seat belt sa kotse.
|
Ang mga tagubilin sa pangangalaga ay iniangkop sa ilalim ng lisensya ng
iyong propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa isang
medikal na kundisyon o sa tagubiling ito, palaging magtanong sa iyong propesyonal ng pangangalagang
pangkalusugan. Itinatanggi ng Healthwise, Incorporated ang anumang warranty o sagutin para sa iyong
paggamit ng impormasyong ito.