Health Encyclopedia
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Mga Pagkalinsad (Balikat, Suklob ng Tuhod, Siko, Daliri)

Ang kasukasuan ay lugar kung saan nagtatagpo ang iyong mga buto. Karaniwan, gumagalaw nang maayos ang buto sa iyong mga kasukasuan, na nagbibigay-daan sa isang malawak na saklaw ng paggalaw. Ngunit maaaring maitulak o mahila ang buto nang wala sa posisyon. Kilala ito bilang pagkalinsad. Pinipigilan ng pagkalinsad ang normal na paggalaw ng kasukasuan at maaring maging napakasakit nito. Mahalaga ang agarang paggamot.

Mga sanhi ng mga pagkalinsad

Maaaring mangyari ang mga pagkalinsad sa halos alinmang kasukasuan. Ngunit pinakakaraniwan ito sa balikat, suklob ng tuhod, siko, at daliri. Kalimitang nangyayari sa mga bata ang paglinsad ng mga siko. Maraming pagkalinsad ay sanhi ng pagkapinsala, tulad ng pagkahampas o pagkahulog. Ngunit maaari itong mangyari sa panahon ng mga normal na aktibidad. Maaaring luminsad ang balikat sa panahon ng paghagis ng bola.

Kailan dapat pumunta sa emergency room (ER)

Kailangan ng pangangalagang emergency ang pagkalinsad. Matagal ang paggaling ng mga pinsalang hindi kaagad nagamot at maaaring magresulta sa matagal na pagkasira ng kasukasuan. Humingi kaagad ng medikal na tulong kung ikaw ay:

  • May malalang pananakit sa kasukasuan

  • Hindi maigalaw nang normal ang kasukasuan

  • Nakikita ang luminsad na buto

  • Pagkakaroon ng pamamanhid o parang tinutusuk-tusok

  • Mayroong bitak sa balat sa ibabaw ng masakit na kasukasuan

Ano ang dapat asahan sa ER

  • Bibigyan ka ng gamot sa pananakit upang maging komportable ka.

  • Susuriin ang mga kasukasuan at maaaring gawin ang isang X-ray upang tingnan kung may mga bali o iba pang pinsala.

  • Upang muling ibalik sa normal na pagkakahanay, dahan-dahan at mabagal na ibabalik ang kasukasuan sa tamang posisyon. Makakatanggap ka ng gamot sa pananakit bago ang pamamaraang ito.

  • Maaaring lagyan ng pansuporta ang luminsad na daliri o siko upang mapanatili itong hindi gumagalaw habang gumagaling ito. Maaaring ilagay sa isang sakbat ang napinsalang balikat.

  • Maaaring gawin ang pangalawang X-ray bago ka umalis ng ospital.

  • Kalimitan, isasangguni ka sa isang espesyalista sa buto (orthopedist) o sa isang tagapangalaga ng kalusugan na dalubhasa sa pangunahing pangangalaga sa mga atleta para sa follow-up na pagsusuri at paggamot.

Bawasan ang pamamaga at pananakit dahil sa paglinsad

Mga tip upang mabawasan ang pamamaga at pananakit: 

  • Lagyan ng yelo ang kasukasuan (lagyan ng manipis na damit sa pagitan ng yelo at ng iyong balat).

  • Itaas ang napinsalang bahagi nang mas mataas sa lebel ng puso kung kaya mo.

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer